top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Most wanted na killer, nasakote

BULGAR
Jul 16, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 16, 2022


AKLAN—Isang most wanted na killer ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Poblacion, Kalibo.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Charlie Pescuela, 45-anyos, at pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong homicide sa lalawigan.


Nabatid na may nag-tip sa pulisya sa pinatataguan ni Pescuela kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page