Most wanted na killer, arestado
@Balitang Probinsiya | June 24, 2022
CAMARINES SUR–Isang most wanted na killer ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bicalen, Presentacion.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jule Bracero, 40-anyos, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.
Napag-alamang nakita ng mga operatiba na umuwi si Bracero sa kanilang bahay kaya agad itong pinuntahan at dinakip.



Comments