Most wanted criminal, tiklo sa hideout
- BULGAR
- Dec 1, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 1, 2023
BULACAN -- Isang most wanted criminal ang nadakip ng mga otoridad kamakalawa sa kanyang hideout sa Brgy. Poblacion 1, Marilao sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Elmer Bautista, nasa hustong edad at pansamantalang nakatira sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa mga kinasasangkutan nitong kaso na may kinalaman sa illegal drugs.
Napag-alaman na may nagbigay impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad nila itong sinalakay at dinakip dito ang wanted na drug pusher.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga otoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments