Most wanted criminal, tiklo
- BULGAR
- Mar 4, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | March 4, 2022
AKLAN–Isang most wanted criminal ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Poblacion, Madalag.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Ferry Nabor, 26-anyos at residente ng Bgy. Medina sa nabanggit na barangay.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong attempted homicide sa lalawigan.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Nabor, kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ang suspek.



Comments