Most wanted criminal natiklo
@Balitang Probinsiya | Pebrero 14, 2023
ALBAY – Isang most wanted criminal ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Tigbi, Tiwi sa lalawigang ito.
Ang suspek ay itinago muna sa alyas na Joel, nasa hustong gulang habang iniimbestigagan pa ito ng mga awtoridad.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong child abuse.
Nabatid na nakita ng mga tauhan ng pulisya si "Joel" na naglalakad sa nasabing barangay kaya agad itong dinakip ng mga awtoridad.
Kusang sumama naman sa mga awtoridad ang suspek at ngayon ay nakapiit na.



Comments