top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Most wanted criminal nasakote

BULGAR
May 18, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 18, 2022


ALBAY – Isang most wanted criminal ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Layon, Legazpi City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Gilbert Pocua, 28-anyos, pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.


Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong frustrated murder.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Pocua kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ang suspek sa nasabing barangay.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa naturang lugar.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page