Most wanted criminal, nasakote

@Balitang Probinsiya | February 17, 2021
CAPIZ—Inaresto ng pulisya ang most wanted criminal kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Poblacion, Dumalag.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jessie Lovariza, pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.
Napag-alamang inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong frustrated murder.
Nabatid na may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Lovariza kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments