Most wanted criminal, nasakote

@Balitang Probinsiya | January 25, 2021
CAPIZ—Isang most wanted criminal ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Lapaz, Jamindan.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Mario Fundar, magsasaka at pansamantalang nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong frustrated murder sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad sa kinaroroonan ni Fundar kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ang suspek.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek nang dakpin siya sa nasabing lugar.



Comments