top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Most wanted criminal, nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2020
1 min read

Updated: Dec 27, 2020

@Balitang Probinsiya | December 27, 2020



BAGUIO CITY—Isang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Pacdal Circle.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Primo Toggad, pansamantalang nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong mga kasong frustrated homicide sa nasabing lungsod.


Napag-alamang nakita ng mga nagpapatrulyang pulisya si Toggad sa nabanggit na lugar kaya agad itong inaresto ng mga awtoridad.


Hindi na nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page