top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Most wanted criminal, arestado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 24, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | February 24, 2022

SORSOGON–Isang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Bayasong, Pilar.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jose Annonuevo, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa lalawigan.


Nabatid na may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ni Annonuevo kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ang suspek.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page