top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Miyembro ng NPA, tepok sa engkuwentro

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 15, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 15, 2021



SAMAR—Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa Bgy. Inubod, Matuguinao.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na komunista na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.


Nagpapatrulya umano ang tropa ng pamahalaan nang pagbabarilin sila ng mga NPA.


Kaagad gumanti ng putok ang mga kawal ng Philippine Army (PA) dahilan kaya napatay ang NPA.


Patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga nakatakas na komunista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page