Miyembro ng NPA, sumurender
@Balitang Probinsiya | June 26, 2022
PALAWAN—Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko kamakalawa sa pamahalaan sa Bgy. San Nicolas, Roxas.
Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang sumukong komunista na nakabase sa nasabing lalawigan.
Nabatid na isinuko rin sa mga awtoridad ng komunista ang dala niyang armas at mga subersibong dokumento.
Ayon sa sumukong NPA, nais na niyang magbagong-buhay at makapiling ang kanyang pamilya kaya nagbalik-loob na siya sa gobyerno.
Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang sumukong NPA upang matiyak na bukal sa kanyang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments