Miyembro ng NPA, sumurender
@Balitang Probinsiya | January 22, 2022
NUEVA ECIJA–Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Bongabon.
Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang sumukong komunista.
Ayon sa ulat, na isinuko rin sa mga awtoridad ng sumukong NPA ang dala niyang mga armas at subersibong dokumento.
Sinabi ng sumukong NPA na nais na niyang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na siya sa gobyerno.
Patuloy pang isinasailalim sa taktikal na interogasyon ang sumukong NPA upang matiyak na bukal sa kanyang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments