Miyembro ng NPA, dedo sa engkwentro
@Balitang Probinsiya | June 12, 2022
SULTAN KUDARAT–Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at komunista kamakalawa sa Bgy. Midtungok, Palimbang.
Sa ngayon ay kinikilala pa ng mga awtoridad ang napatay na miyembro ng NPA na nag-o-operate sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, nagpapatrulya ang tropa ng Philippine Army (PA) nang pagbabarilin sila ng mga NPA dahilan kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad at dito napatay ang komunista.
Nang makitang napatay ng tropa ng pamahalaan ang kasamahan nilang komunista ay mabilis na tumakas ang iba pang NPA.
Nabatid na patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na komunista.



Comments