Miyembro ng ‘Gun-For-Hire’, arestado
@Balitang Probinsiya | January 20, 2022
CAMARINES NORTE–Isang miyembro ng ‘Gun-For-Hire’ ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Poblacion, Sta. Elena.
Itinago muna ng pulisya ang suspek sa alyas na Gerry hangga’t hindi pa nadarakip ang mga kasamahan nito sa sindikato ng ‘Gun-For-Hire’.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.
Nabatid na may nagbigay-impormasyon sa pulisya sa pinagtataguan ni “Gerry”, kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at inaresto ang supek.
Hindi naman nanlaban ang suspek sa mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments