Mister tepok, misis sugatan sa pananaksak
@Balitang Probinsiya | October 19, 2022
AKLAN—Isang mister ang namatay at sugatan naman ang misis nito nang tagain ng kanilang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Janlud, Libacao.
Ang biktimang nasawi ay nakilalang si Lorjei Gregorio, 44-anyos, samantalang ang misis niyang sugatan ay si Cherry Ann Gregorio, 42-anyos, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nasa loob ng kanilang tahanan ang mag-asawa nang pumasok ang suspek na si Jomar Esto, nasa hustong gulang na armado ng itak at agad pinagtataga ang mga biktima.
Matapos ang pananaga ay mabilis na tumakas ang suspek, samantalang dinala ng mga residente ang mag-asawa sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Lorjei.
Nagpalabas na ng manhunt operations ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments