- BULGAR
Mister sinundo sa inuman, misis sinaksak
@Balitang Probinsiya | May 14, 2022
NUEVA ECIJA – Isang misis ang nasa kritikal na kondisyon nang saksakin ng kanyang lasing na mister kamakalawa sa Bgy. Barrera, Cabanatuan City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng saksak sa katawan na si Rowena Belen, 46-anyos, samantalang ang suspek ay ang mister nito na si Rommel, 47, kapwa residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, sinundo ni Rowena si Rommel na nakikipag-inuman sa bahay ng isa nilang kapitbahay.
Nabatid na ikinagalit ni Rommel ang pagsundo sa kanya ni Rowena kaya sinaksak nito ang biktima.
Agad namang nakaresponde ang pulisya kaya nadakip si Rommel, samantalang ginagamot pa ngayon sa ospital si Rowena.