top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Mister patay, misis, 2 pa sugatan sa ambush

BULGAR
Jan 6, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 6, 2023


MAGUINDANAO DEL SUR—Isang mister ang namatay at sugatan naman ang misis nito at dalawang iba pa sa pang-a-ambush na ginawa ng mga hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy, Lower Salbu, Datu Saudi Ampatuan.


Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Junior Sumlay, 42-anyos, samantalang sugatan naman ang misis nito na si Fatima, 42-anyos, anak nilang 1-taong gulang at isang Guiaria Mohamad, pawang nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, habang lulan ang mga biktima ng multi-cab ay sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang mga biktima.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page