Mister, pang-matinee idol pa rin…
- BULGAR

- Oct 4, 2020
- 2 min read
MARIEL, 'DI NA RAW BAGAY KAY ROBIN DAHIL TABACHINGCHING NA, LOSYANG PA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 4, 2020

Sa isang vlog ni Mariel Padilla na mukbang ang kanyang tema, nalula kami sa dami ng pagkain na ipinahanda niya. May seafood, inihaw na bangus at pusit, itlog na maalat, manggang hilaw with bagoong, halaan soup, prutas at apat na servings ng kanin.
Umaapaw sa pagkain ang mesa… eat all you can talaga! At ganadung-ganadong kumain si Mariel dahil kailangan daw niyang kumain nang marami since nagbe-breastfeeding siya.
Habang kumakain ay panay ang litanya ni Mariel sa mga comments ng mga bashers niya. Tinawag kasi siyang OA, maarteng magsalita at tabachingching.
Aminado naman ang misis ni Robin Padilla na nasasaktan siya kapag tinatawag na mataba at Dabiana. Hindi naman daw niya magawang mag-diet dahil nagbe-breastfeeding pa siya. Pero desidido siyang magpapayat kapag malaki na ang kanyang anak na si Gabriela.
May isa pang basher na nag-comment na hindi raw bagay si Mariel sa mister niyang si Robin Padilla na pogi at pang-matinee idol pa rin ang porma dahil maalaga sa katawan, samantalang siya ay lumapad na at losyang na losyang na ang hitsura!!!
Para sa isang babae na tulad ni Mariel ay masakit tanggapin ang pangungutyang ito sa kanyang physical na anyo. Nakikisimpatya kami kay Mariel. Hindi biro ang sakripisyo niya para sa mga anak nila ni Robin. Mahirap maging isang ina.
Hindi na namin makita kay Mariel ngayon ang larawan ng isang masayahin at punumpuno ng buhay. Hindi siya dapat nagpapaapekto sa mga bashers. Puwede namang maging masaya kahit masyoba, 'di ba?
Ang mahalaga ay mahal na mahal siya ni Binoe at may dalawa silang magagandang anak. 'Wag mag-self-pity si Mariel! Masuwerte pa nga siya kung tutuusin!




Comments