Mister na may kasong concubinage natimbog
@Balitang Probinsiya | August 11, 2022
ALBAY—Isang wanted na mister na may kasong concubinage ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Tagas, Daraga.
Sa kahilingan ng kanyang pamilya ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang suspek na pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong concubinage sa lalawigan.
Nabatid na sinampahan ng kanyang misis ng kasong concubinage ang kanyang mister nang malaman nitong may karelasyon itong ibang babae.
Napag-alaman na may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad rumesponde ang mga operatiba at dinakip ito sa nasabing lugar.



Comments