Mister dinukot ng mga armado
@Balitang Probinsiya | September 24, 2022
SULTAN KUDARAT—Isang mister ang dinukot ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Tumiao, Lambayong.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Norodin Sampigat, 36-anyos at residente sa naturang barangay.
Ayon sa kay Mathel, misis ni Norodin, na magdadala lang umano ng baon ang kanyang mister sa anak nilang nag-aaral sa Tumiao Elementary School nang harangin ito ng mga suspek na nakasakay sa isang kotse at pagkaraan ay kinaladkad na ang biktima papasok sa nasabing sasakyan.
Nabatid na kaagad ini-report ni Mathel sa pulisya ang pagdukot ng mga suspek sa kanyang mister.
Napag-alamang patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo ng mga suspek sa pagdukot sa biktima.



Comments