Misis sinaksak ng jobless na mister
@Balitang Probinsiya | August 19, 2022
SORSOGON—Sugatan ang isang misis nang saksakin ng kanyang mister na jobless kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Dapdap, Bulusan.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Lorna, 21-anyos, samantalang ang suspek ay ang mister nito na si Julius Tan, 41-anyos, kapwa residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, inaway ni Lorna ang kanyang mister dahil hindi umano ito naghahanap ng trabaho, kaya nagtalo ang mag-asawa hanggang sa kumuha ng patalim si Julius at sinaksak sa kanang hita ang kanyang misis.
Matapos ang pananaksak ay kusang sumuko sa pulisya si Julius.
Samantala, patuloy pa rin inoobserbahan sa pagamutan ang biktima.



Comments