top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Misis, pinatay ng mister

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 12, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 12, 2021


AKLAN—Isang 37-anyos na misis ang sinaksak sa leeg at napatay ng kanyang mister kamakalawa sa Bulwang, Numancia.


Ang biktima na nagtamo ng isang tama ng saksak sa leeg ay nakilalang si Lovely, samantalang ang suspek ay ang mister nito na si Andres Suarez, 39-anyos at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa hanggang sa kumuha ng patalim si Andres at sinaksak sa leeg ang misis na agad nitong ikinamatay.


Kaagad namang nadakip ng mga rumespondeng pulisya ang suspek.


Nakapiit na si Suarez na nahaharap sa kasong parricide.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page