Minero, arestado sa buy-bust
- BULGAR
- Jul 2, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 2, 2022
CAMARINES NORTE—Isang minero na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Tugis, Paracale.
Ang suspek ay itinago sa alyas na Tiwi habang iniimbestigahan ito.
Ayon sa ulat, si “Tiwi” ay nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa naturang lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang pakete ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments