MILF member patay sa ambush
@Balitang Probinsiya | October 13, 2022
MAGUINDANAO DEL SUR—Isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang namatay sa pang-a-ambush na ginawa sa ng dalawang hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy. Tuayan Mother, Ampatuan.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Thoks Angkupa, nasa hustong gulang, miyembro ng MILF na nakabase sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, habang lulan si Angkupa ng kanyang motorsiklo ay sumulpot ang mga suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.



Comments