MILF member, nilikida ng riding-in-tandem
@Balitang Probinsiya | June 30, 2022
MAGUINDANAO—Isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Labungan, Datu Odin Sinsuat.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Macmod Masiangal, nasa hustong gulang, miyembro ng MILF-Inner Guard Brigade na nakabase sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, patungo si Masiangal sa barangay hall ng sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Nang matiyak na patay na ang biktima ay saka mabilis na tumakas ang mga salarin.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.



Comments