top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga ‘sana’, after SONA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2020
  • 1 min read

@Editorial | July 28, 2020



Kasunod ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, nadagdagan ang mga ‘sana’ ng taumbayan.


Mula sa “sana matapos na ang kahirapan, krimen at korupsiyon”, ngayon, “sana matapos na ang laban sa COVID-19 at sana’y maging mabilis ang ating pagbangon”.


Sana’y magkaroon na ng gamot laban sa nakamamatay na virus. Sana gumaling na ang mga tinamaan ng sakit. Silang mga frontliners na namatay sa paglilingkod sa kapwa at bayan, sana’y magsilbing paalala na buhay pa rin ang kabayanihan. Higit sa lahat, huwag sanang mabalewala ang kanilang sakripisyo. At magsisimula ito sa ating mga sarili — huwag nang pasaway.


Sana’y makabawi na ang ekonomiya. Ang mga negosyong nagsara at mga manggagawang nawalan din ng hanapbuhay, sana’y matulungan ng ating gobyerno at ng mga kababayan nating may sapat na kakayahan para tumulong.


Sana’y, maging ligtas ang balik-eskuwela na nananatili ang de-kalidad na edukasyon at laging isinasaalang-alang ang kalusugan kabatan.


Higit sa lahat, sana’y may natutunan ang bawat isa sa pandemic na ito.


Dahil sa sitwasyon natin ngayon ay mas nakita natin ang kahalagahan ng buhay. Ito ay iisa lang kaya dapat ingatan.


Tinuruan din tayong maging mas madasalin at matatag. Bagama’t, may mga pagkakataong parang katapusan na ng lahat ay kailangan nating magkaroon pa rin ng pag-asa.


At tulad ng mga nagdaang kalamidad at trahedya, magtiwala tayo na matatapos din ang krisis dulot ng COVID-19 at sabay-sabay tayong babangon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page