Mga pampasabog at bala, narekober sa kuta ng NPA
Updated: Aug 13, 2022
@Balitang Probinsiya | August 12, 2022
SULTAN KUDARAT—Narekober ng mga awtoridad ang iba't ibang uri ng mga pampasabog at bala sa kuta ng mga New People's Army (NPA) kamakalawa sa bulubunduking lugar ng Bgy. Baluan, Palimbang.
Ang nakumpiska ay anti-personnel mine, galvanometer, 30 meters wire at iba't ibang uri ng bala.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng Philippine Army (PA) at mga komunista hanggang tumakas ang mga NPA.
Dahil dito ay nakubkob ng tropa ng pamahalaan ang kuta ng mga NPA at dito narekober ang mga pampasabog at bala.
Nabatid na patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na NPA.



Comments