Mga mambabatas, isipin sana ang kapakanan ng sambayanan
- BULGAR
- 16 hours ago
- 1 min read
by Info @Editorial | May 18, 2025

Tapos na ang eleksyon, kasunod nito, nabuhay naman ang pag-asa ng sambayanan para sa mas magandang bukas — hindi lamang sa mga pangakong binitiwan ng mga nanalong kandidato, kundi lalo na sa mga batas na inaasahang maipapasa para sa ikabubuti ng nakararami.
Tungkulin ng mga senator at congressman na lumikha ng mga batas na tumutugon sa mga pangunahing isyu ng bansa: kahirapan, edukasyon, kalusugan, seguridad, at karapatang pantao.
Kaya inaasahan nating ang mga halal na opisyal ay magsisilbing tunay na boses ng kanilang nasasakupan.Hindi rin sapat ang pagiging aktibo sa mga pagdinig o paglalabas ng opinyon sa media. Ang sukatan ng tunay na serbisyo ay nasa kalidad at kabuluhan ng mga panukalang batas na ihahain — mga batas na may direktang epekto sa buhay ng bawat Pilipino.
Nasa kamay ng mga mambabatas ang kapangyarihang magbago ng landas ng bansa. Ang tanong, gagamitin ba nila ito para sa pansariling interes, o para sa kapakanan ng bayan?
Comentarios