Mga bomba, nakumpiska sa kuta ng NPA
- BULGAR

- Sep 14, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 14, 2020
ZAMBOANGA DEL SUR—Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga bomba sa sinalakay nilang kuta ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa bayan ng Dumingag.
Ang sinalakay ng tropa ng pamahalaan ay ang kuta ng mga miyembro ng NPA sa bulubunduking lugar ng Bgy. Bagong Silang sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad tungkol kuta ng mga NPA kaya agad itong sinalakay ng tropa ng pamahalaan at dito nagkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng magkabilang-panig hanggang tumakas ang mga rebelde.
Sa pagtakas ng mga NPA ay nakubkob ng tropa ng pamahalaan ang kanilang kuta at dito narekober ang mga bomba.
Patuloy pa ang isinasagawang pagtugis ng tropa ng pamahalaan sa mga tumakas na NPA.



Comments