Mga bagong medical frontliners, ready na vs. COVID-19
- BULGAR

- Jul 3, 2020
- 1 min read
@Editorial | July 3, 2020
May mga bagong medical graduates ang inaasahang sasabak na rin sa laban sa COVID-19.
Bagama’t mga baguhan, alam nating buo ang kanilang loob na magserbisyo lalo na sa panahong ito. Handa rin silang mag-alay ng kanilang buhay upang mapaglingkuran ang taumbayan.
Ang panawagan lang natin sa ating gobyerno ay ibigay din sa kanila ang proteksiyon at benepisyo na nararapat.
Sana’y natuto na tayo mula sa mga naging problema at kakulangan pagdating sa pagkalinga sa ating mga medical frontliners.
Nariyan ang pagbibigay sa kanila ng sapat na sahod at benepisyo at ang kanilang kinakailangang personal protective equipment. Ganundin ang iba pang tulong sakaling sila naman ang malagay sa alanganin. Huwag na sanang maulit ang nangyari na naantala ang ayuda na nakalaan para sa kanila.
Alagaan natin ang mga doktor, nurse at lahat ng bumubuo sa ating medical team. Kabilang sila sa mga nagsisilbing daan upang malagpasan natin ang sitwasyong ito.
Huwag nating hayaan na makaramdam sila ng kakulangan at pagsisisi, sa halip ay ipadama natin ang kanilang pagiging bayani.


Comments