top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mga armas ng NPA, narekober

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 19, 2022

NUEVA ECIJA–Narekober ng mga awtoridad ang iba’t ibang uri ng mga armas sa kuta ng mga New People’s Army (NPA) kamakalawa sa bulubunduking lugar ng Bgy. Colosboa, Cuyapo.


Ang nakumpiskang armas ay dalawang M203 grenade launchers, dalawang granada, baril at mga bala.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa mga awtoridad tungkol sa mga armas ng mga NPA na nakatago sa nasabing lugar.


Dahil dito, agad sinalakay ng tropa ng pamahalaan ang naturang lugar at dito natagpuan ang mga armas at mga bala.


Naglunsad na ngayon ng manhunt operations ang mga awtoridad para madakip ang mga NPA sa nasabing lalawigan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page