Mga armas ng komunista narekober
@Balitang Probinsiya | May 22, 2022
SURIGAO DEL NORTE – Narekober ng mga awtoridad ang iba't ibang uri ng mga armas sa kuta ng New People's Army (NPA) kamakalawa sa bulubunduking lugar ng Bgy. Pungtod, Bacuag sa lalawigang ito.
Ang nakumpiskang armas ay isang caliber 5.56 MM rifle, M203 grenade launcher, iba't ibang uri ng bala at mga IED o improvised explosive device.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad tungkol sa mga armas ng mga NPA na nakatago sa nasabing lugar.
Dahil dito, agad sinalakay ng tropa ng pamahalaan ang naturang lugar at dito natagpuan ang mga armas, mga bala at pampasabog.
Naglunsad na ngayon ng manhunt operations ang mga awtoridad para madakip ang mga NPA sa nasabing lalawigan.



Comments