top of page
Search
  • BULGAR

May kasong child abuse, arestado

@Balitang Probinsiya | August 18, 2022


ALBAY—Isang lalaking may kasong child abuse ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. San Roque, Legazpi City.


Ang suspek ay itinago muna ng pulisya sa alyas Arthur habang siya ay iniimbestigahan ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa "Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act."


Napag-alamang nakita ng mga operatiba ang suspek na naglalakad sa naturang barangay kaya agad itong dinakip.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page