top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Matandang dalaga, natagpuang patay

BULGAR
Apr 20, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 20, 2022


AKLAN – Isang 59-anyos na matandang dalaga ang natagpuang patay kamakalawa sa loob ng kanyang bahay kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Makato sa lalawigang ito.


Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ang matandang dalaga na residente ng nabanggit na barangay.


Nabatid na ilang batang naglalaro ang nakalanghap na masangsang na amoy na nagmumula sa bahay ng matandang dalaga kaya't sinabi nila ito sa kanilang mga magulang.


Nang puntahan ng mga magulang ng mga bata ang bahay ay dito natagpuan na patay na ang matandang dalaga.


Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay posible umanong atake sa puso ang ikinamatay ng matandang dalaga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page