Matandang binata natagpuang patay
@Balitang Probinsiya | August 25, 2022
NUEVA ECIJA—Isang 67-anyos na matandang binata ang natagpuang patay kamakalawa sa fishpond sa Bgy. Burgos, Lupao.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Ignidio Valdez, residente ng naturang barangay.
Nabatid na ilang residente ang nakakita sa nakalutang na bangkay ng biktima sa fishpond kaya't ini-report nila ito sa pulisya.
Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad ay posible umanong aksidenteng nahulog sa fishpond si Valdez at dahil matanda na ito kaya nalunod dito ang biktima.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naganap na insidente.



Comments