Masahista, arestado sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | January 19, 2022
ALBAY–Isang lalaking masahista ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Salvacion, Tabaco City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ryan Bonaobra, 29-anyos at residente sa naturang barangay.
Napag-alamang nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng ilegal na droga ni Bonaobra ay agad na itong inaresto ng mga awtoridad.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Bonaobra na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments