top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Maraming pera, pahiwatig ng paghihirap sa mahabang panahon

BULGAR
Oct 7, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 7, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ben ng Bataan.


Dear Maestra,


Mahirap lang kami, pero napanaginipan ko na kumain ako sa isang mamahaling restoran dahil mayaman na ako. Um-order din ako ng mamahaling drinks at ininom ko ito pagkatapos kong kumain. Marami akong pera sa wallet, tapos natiktikan ng magnanakaw na marami akong pera, kaya ninakaw ang wallet ko. Nagulat na lang ako dahil pagdating ko sa bahay, wala sa bag ko ‘yung wallet ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Ben


Sa iyo, Ben,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na kumain ka sa isang mamahaling restoran ay pagtsitsismisan ka ng mga kaibigan mo, kung saan magkakalat sila ng hindi magagandang balita laban sa iyo.


Ang um-order ka ng mamahaling drinks at ininom mo ito pagkatapos kumain ay nangangahulugan na mai-in love ka sa isang babae, tatanggapin niya ang pag-ibig mo, subalit pera lamang ang hangad niya sa iyo. Dahil d’yan, kabiguan ang sasapitin mo sa dakong huli.


Samantala, ang ibig sabihin ng marami kang pera o mayaman ka na ay daranas ka ng pagdarahop sa loob ng maraming taon. Sasagana at uunlad ka lang sa bandang huli ng buhay mo.


Ang ninakawan ka ng wallet ay nagpapahiwatig ng pagkalugi o pagkaubos ng kabuhayan mo dahil sa maling diskarte sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page