top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Manyakis, timbog sa bigong rape

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 12, 2022

CAMARINES NORTE–Isang 41-anyos na manyakis ang dinakip ng pulisya matapos na pagtangkaang gahasain ang kanyang hipag na menor-de-edad kamakalawa sa bayan ng Capalonga.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.


Ayon sa biktimang itinago sa pangalang “Nancy”, 13-anyos, nag-iisa siya sa kanilang bahay nang dumating ang suspek at dito siya pinagtangkaang gahasain.


Nabatid na nanlaban si “Nancy” at sumigaw na humihingi ng saklolo sa mga kapitbahay kaya tumakbong patakas ang suspek.


Nagtungo sa pulisya ang biktima at inireklamo ang kanyang bayaw at sa follow-up operation ng mga operatiba ay agad nadakip ang suspek sa naturang bayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page