Manliligaw na taong singko, dapat sagutin ng biyudang gusto pa mag-asawa

2 beses na-biyuda pero may 3 manliligaw, gustong mamili kung sino ang mapapangasawa
39-anyos na biyuda, gustong maka-sure kung sino ang ka-compatible sa 3 manliligaw
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| November 10, 2020
Dear Maestro,
Ako ay dalawang beses nang nabibiyuda at hanggang ngayon ay natatakot pa rin akong mag-asawa. Kaya lang, hindi naman sa pagmamayabang dahil kahit 39-anyos na ako at masasabi kong may edad na, may mga manliligaw pa rin ako at tatlo sila. Ang una ay may birthday na May 5, 1982, ang pangalawa ay may birthday February 13, 1983 at ang pangatlo naman ay may birthday na April 12, 1984.
Sino sa kanilang tatlo ang ka-compatible ko at dapat sagutin para habambuhay na akong maging maligaya? September 1, 1981 naman ang birthday ko. Kung sakaling mag-aasawa akong muli, mabubuntis pa ba ako at magkakaanak? Nais ko ring malaman kung ano ang masuwerte kong mga numero na puwede kong tayaan sa lotto?
Umaasa,
Ms. Virgo ng Talaba, Bacoor, Cavite
Dear Ms. Virgo,
Ayon sa birthday mong September 1, 1981, na under sa zodiac sign na Virgo, na may ruling planet na Mercury, higit mong ka-compatible ang isang Taurus na isinilang noong May 5, 1982. Ang zodiac sign niyang Taurus at Virgo ka naman ay sadyang compatible sa isa’t isa.
Dagdag pa rito, ang zodiac sign mong Virgo na may ruling planet na Mercury ay may katumbas na numerong 5, na siya namang birth date ni Mr. Taurus. Ibig sabihin, kapag kayo ang nagkatuluyan at nagsama, tiyak ang magaganap, ang inyong relasyon ay magiging masagana, maunlad, maligaya at panghabambuhay na.
Samantala, bukod sa sarili mong numero na 1, at lahat ng numbers na may sumatotal na 1, tulad ng 10, 19, 28, 37, at iba pang kauri nito, mapalad ka rin sa lahat ng numero na may sumatotal na 4 at 5, tulad ng 13, 22, 31, 40, 14, 23, 32, 41 at iba pang kauri nito. Maaari mo ring subukan ang 1, 17, 26, 34, 40 at 42, ganundin ang 3, 16, 24, 34, 38, at 40, higit lalo sa buwan ng Mayo at Oktubre.
Upang masigurado ang malaking panalo, maghanap ka ng lotto outlet na malapit sa paradahan ng mga sasakyan o paliparan ng eroplano o paradahan o daungan ng mga barko. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng jackpot.
Habang, ayon sa iyong Love Calendar, kung sa susunod na taong 2021 (ang 2021 ay may sumatotal ding 5, dahil ang 2021 ay 20+21=41/ 4+1=5) ay sasagutin mo na ang manliligaw mo na may birthdate na May 5, tiyak ang magaganap ang inyong relasyon ay nakatakda nang magbunga ng maligaya at panghabambuhay na pagsasama at matapos ang isang taong pagmamahalan, sa 2022 hanggang 2023, mabubuntis ka pa at isisilang ang malusog at matalinong lalaking sanggol na lalo pang magpapatibay sa inyong pamilya at sa inyong pagmamahalang itinakda ng magiging panghabambuhay na.




Comments