Mangingisda, natodas sa kuryente
- BULGAR
- Jan 16, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | January 16, 2022
BATAAN–Patay ang mangingisda nang makuryente kamakalawa sa sapa ng Bgy. Pita, Dinalupihan.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jomar Castillo, 32-anyos at nakatira sa Bgy. Tucop sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, dala ang kanyang de-kuryenteng panghuli ng isda, nagtungo sa sapa si Castillo para manghuli ng isdang pang-ulam sa kanyang pamilya.
Nabatid na habang nanghuhuli ng isda ay napahawak sa live wire ang biktima kaya ito nakuryente.
Kaagad dinala ng mga residente si Castillo sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments