Mangingisda, natagpuang patay sa dagat
@Balitang Probinsiya | November 13, 2023
AKLAN -- Isang mangingisda ang natagpuang patay kamakalawa habang nakalutang sa dagat na sakop ng Brgy. Ochando, New Washington sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Roben Ramos, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakalutang sa dagat na sakop ng naturang barangay.
Napag-alaman na huli umanong nakitang buhay si Ramos na nakasakay sa kanyang maliit na bangka para mangisda.
Dahil dito, ayon sa pulisya ay posible umanong tumaob ang bangka ng biktima kaya nalunod at namatay sa dagat.



Comments