top of page
Search
  • BULGAR

Mangingisda natagpuang patay

@Balitang Probinsiya | July 24, 2022


BATANGAS—Isang 38-anyos na mangingisda ang natagpuang patay kamakalawa sa karagatang sakop ng Bgy. Balibago, Calatagan.


Kinilala ang biktima na si Rosalito Lobiras, residente ng nabanggit na bayan.


Nabatid na ilang mangingisda ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakalutang sa nasabing karagatan.


Sa pagsisiyasat ng pulisya, huli umanong nakitang buhay si Lobiras na lasing sa alak habang naglalakad sa dalampasigan.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung pagkalunod ikinamatay ng biktima o kung may foul play na naganap sa pagkamatay ni Lobiras.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page