top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Mangingisda, arestado sa boga

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 8, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | February 08, 2022

CAMARINES NORTE–Isang mangingisda ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng baril at mga bala kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Manguisoc, Mercedes.


Hindi muna pinangalanan ng pulis ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.


Nabatid na sinalakay ng pulisya ang bahay ng mangingisda sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte at dito nakumpiska ang .38 revolver at mga bala.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page