top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Malinaw ayon sa birthday at zodiac sign…

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 12, 2020
2 min read

Suwerteng motif, buwan at petsa para magpakasal ang mag-dyowang compatible

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| November 12, 2020



Dear Maestro,


Sa darating na December 25, magda-dalawang taon na ang relasyon namin ng boyfriend ko. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung compatible ba kami? October 12, 1993 ang birthday ko at February 15, 1992 naman ang birthday ng boyfriend ko. Kami na ba ang magkakatuluyan, kung oo, magkakaroon ba kami ng maunlad, panghabambuhay at maligayang pamilya balang-araw?


Umaasa,

Lyn ng Hermosa, Dasol, Pangasinan

Dear Lyn,


Ang zodiac sign mong Libra na pinaghaharian ng elementong hangin ay tunay ngang compatible sa zodiac sign na Aquarius ng boyfriend mo na katulad din ng Libra at Aquarius ay pinangingibabawan din ng elementong hangin o air. Ibig sabihin, sa aspetong Western Astrology, suwetong-suweto talaga ang inyong tadhana.


Ganundin naman ang inyong birth date kung saan ang birth date mong 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3) ay compatible rin naman sa birth date na 15 o 6, ng boyfriend mo (ang 15 ay 1+5=6). Samakatuwid, sa pag-aanalisang Astro-Numerology, walang duda na tugma at compatible kayong dalawa.


Dahil sa nasabing mga pag-aanalisa, humigit-kumulang, kayo na ang magkakatuluyan at nakatakdang bumuo ng isang maligaya at maunlad na pamilya habambuhay.


Mapalad namang kulay ang pula, asul, violet at lavender sa araw ng kasal, gayundin sa mga pangunahing gamit sa bahay. Isaalang-alang ang mga petsang 9, 18, 27, 6, 15, 24, 3, 12, 21 at 30, partikular sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo at Setyembre hanggang Oktubre para sa panahon ng pagpapakasal.


Habang, ayon sa inyong Love Calendar, sa 2022 sa mga piling buwan ng Setyembre o Disyembre, sa edad mong 29 pataas, tiyak ang magaganap — may isang simple pero masayang kasalang itatala sa inyong karanasan na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page