top of page

Malakas na alon, babala ng sagabal sa mga plano

  • BULGAR
  • Jun 27, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 27, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni David ng Cebu.


Dear Maestra,


Tagasubaybay ako ng column n’yo. Bumibili agad ako ng BULGAR pagkagising ko sa umaga para ‘di ako maubusan. Gusto kong magpaanalisa ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na naglalakad ako sa tulay na katabi ng ilog, tapos may natanaw akong malakas na alon sa ilalim ng tulay. Bigla akong namutla, nahilo at kinapos ng hininga.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

David



Sa iyo, David,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naglalakad ka sa tulay at may natanaw kang malakas na alon sa ilalim nito ay matagal pa bago mo makamit ang tagumpay dahil makakaranas ka muna sa maraming sagabal.


Samantala, ang ibig sabihin naman ng nahilo ka, namutla at kinapos ng hininga ay paalala na ingatan mo ang iyong kalusugan. Huwag kang masyadong magpagod.


May babala ng malubhang sakit ‘pag lumabis ang iyong pagtatrabaho, kaya iwasan mo ang pagiging sobrang masipag. Sabi nga, lahat ng bagay na sobra ay nakakasama.


Muli, ingatan mo ang iyong kalusugan at palaging isaisip na ang kalusugan ay isa na ring kayamanan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page