top of page
BIDA - CUP OF JOE, IPINABOBOYKOT SA DAVAO, BABATUHIN NG DURIAN NG MGA DDS-FB Cup of Joe.jp

Magulang at guro, joint forces vs. bullying

  • BULGAR
  • Dec 3, 2022
  • 1 min read

@Editorial | December 3, 2022


Kumusta na ang kabataan?


Bawas-gadget na ba dahil sa face-to-face classes o balik-gala dahil nakalalabas na?


Ngayong mas madalas nang nasa labas ang ating mga anak, mas kailangan nating itsek sila kung nasa iskul lang ba, nakatambay sa bahay ng kaklase o may gala.


Huwag din nating kalimutan na itanong kung sino ang madalas nilang kasama o kung may nambu-bully ba sa kanila nang sa gayun ay mabigyan natin ng tamang payo.


Katulad ng isang insidente kamakailan kung saan sangkot ang ilang menor-de-edad. Dahil sa umano’y bullying. Sa mismong harap ng eskuwelahan, naganap ang rambulan, isa ang patay, dalawa ang sugatan.


Nahaharap naman sa reklamong murder at frustrated murder ang apat pang menor-de-edad na sangkot sa pananaksak.


Sa nangyari, may isang buhay na nawala at ang mga naiwan, tiyak na may dalahin habambuhay.


Kaya napakahalagang magtulungan ang mga magulang at mga guro sa paggabay sa kabataan.


Kailangang may gawin tayo para maingatan ang kabataan. Dapat hindi sila maabuso o mang-abuso. Huwag nating hayaang maligaw sila ng landas at mapahamak.


Maraming paraan, kailangan lang nating pagtuunan ng pansin at paglaanan ng panahon.


Kausapin natin sila at higit sa lahat, pakinggan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page