Magsasakang pusher, nasakote

@Balitang Probinsiya | December 19, 2020
NORTH COTABATO—Isang magsasakang drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Dagupan, Makilala.
Ang suspek ay nakilalang si Junrel Villas, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ay sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Villas at dito nakumpiska ang 10 sachets ng shabu at drug paraphernalia.
Hindi naman nanlaban si Villas nang dakpin siya ng mga awtoridad sa loob ng kanyang bahay.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments