top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Magsasaka, todas sa lolo

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 22, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 22, 2020



QUEZON—Patay ang isang magsasaka nang saksakin ng 82-anyos na lolo kamakalawa sa Bgy. San Antonio Pala, Catanauan.


Kinilala ang biktima na nagtamo ng tama ng saksak sa likod ay nakilalang si Norberto delos Angeles, 33-anyos, samantalang ang suspek ay si Terso Olimba, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.


Batay sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo sina Delos Angeles at Olimba na humantong para saksakin ng suspek ang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi sa ospital si Delos Angeles, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nakatakdang sampahan ng pulisya ng kasong homicide ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page