Magsasaka todas sa landslide
@Balitang Probinsiya | September 4, 2022
IFUGAO—Isang 37-anyos na magsasaka ang namatay nang matabunan ng gumuhong lupa kamakalawa sa Bgy. Mongo, Mayuyao.
Ang biktima ay kinilalang si Rene Bullian, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, kalakasan ng buhos ng ulan nang magkaroon ng landslide sa naturang barangay at natabunan si Bullian sa nasabing lugar.
Nabatid na agad rumesponde ang rescue team, pero lumipas pa ang mahigit isang oras bago nailabas sa gumuhong lupa ang walang ulirat na biktima.
Kaagad dinala ng rescue team si Bullian sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments